Title palang siguro, halata na kung ano ang nangyari. Haha! Today is our SSC Grand Rally and Elections. We held it at the quadrangle of our school. Kahit na nung umaga pa lang, sobrang mainit na. Dehydrated ang lahat. Haha!
Syempre, there are the usual intermission numbers from both the GOAL party and the ESTILLO party. Andyan na rin yung speeches. Haha! Masaya, nag-enjoy ang lahat. Our party (ESTILLO), sang Hawak Kamay, At The Beginning and Nakakapagtataka. Haha! Hindi talaga kami prepared compared sa other party. Pero, ok lang yan. Haha!
Sa last intermission number, we danced Kembot. Actually Aiah Mina, ESTILLO's Representative lang at ako ang sumayaw. Haha! Nakakapagod siya. Pero tuloy pa rin.
Next, elections. Ayun, haha!
After nun, nagpaalam kaming pumunta ng mall. Tapos diretso sa Studio 5 para magpa-picture. Akala ko pa man din, kumpleto kaming lahat. Tapos yun pala, hindi na daw makakasunod yung boys kasi babantayan daw nila votes namin. (Nagtatampo kami sa inyo! Hehe. Hindi naman importante sa amin kung manalo kami o hindi, basata makumpleto lang tayo, everyday panalo! Haha!)
Pagkatapos sa studio, pagkarating sa school, ayun, nalaman na naming ang results. Yes, Aurea Mina is our new SSC President. Hoorraaayyy! Haha! Tapos ako naman, hindi masyadong pinalad, pero ok lang kasi at first hindi ko naman talaga pinag-planuhan sumali. As I've said in my last posts, accident lang yun. Haha! Congrats Joel. Haha!
.JPG)
ESTILLO kami! :)
.JPG)
Me. Haha!
.JPG)
Camsi, Me and Jadel.
.JPG)
Ms. President.
Sa Einstein, 22 kaming lahat. Si Jenine, walang kalaban for Representative IV. Look naman how solid we are. Sana tuloy-tuloy na ito. Go Einstein!
Thank you sa mga nag-vote. Haha!
P.S. Thank you Sir Elmer for encouraging the Einstein students to fight. :)
Today, we had a tough day. We copied references, answered all the exercises, the very long and confusing exam in Physics, and most of all, our CAT.
I never imagined myself to be a military or a cadet. Pero enjoy kaming lahat. Nababaduyan talaga kami sa attire namin. Plain white shirt plus jeans plus black shoes with all that tuck in and ponytails. Sayang nga lang, hindi na kami nakapag-picture. Sobrang pagod na rin kasi kami. Sir Roderick also taught us how to march and all that movements. Next week, we will have our practicum.
Nag-OT kami ngayon kasi hindi pa kami nakakabuo ng sayaw. Pero ayun, natapos din namin. We will dance Kembot tomorrow. Ah basta, bahala na bukas. Thank you sa mga tumulong at nag-OT din. Hehe.
Heto pa ang shocking moment, we were copying our reference in English and then suddenly, may nagbukas ng pinto. Napatigil at naging "stiff" ang lahat. Hahaha! Si Mrs. Reyna pala, ang may-ari ng school. Haha! Nagsurprise visit pala siya. Kahit mga teachers, hindi alam ang pagdating niya. Nakakashock talaga. Haha!
P.S. Grabeng mga chismis, minsan parang totoo na. Ewan ko kung maniniwala pa kami sayo o sa kanila. Patunayan mo muna.
.JPG)
Stronger. :)
WE ARE FULLY LOADED TODAY. Assignment dito, quiz diyan. Things are not like before. Hindi ko na alam gagawin ko and I don't know how to budget my time anymore.
Tomorrow, we will wear our CAT outfits. Ano kaya itsura naming lahat? Hahaha! We need PLAIN white shirt and PLAIN white handkerchief. Kung wala? May parusa. Haha!
Sa Friday, Grand Rally na. We need to rush all our productions tomorrow. Sana hindi kami magkalat. Haha!
Good luck Einstein. Einstein really rocks.
I love you people. Sana tuloy-tuloy na ang masaya nating pagsasama at wag pabayaang tuluyang masira.
P.S. Camsi, where are you na
ba? Hahahaha! LOL.
This day is so special. Not only because Karlo celebrates his last year of birthday at school but because today is very memorable for me and for the rest of the group.
Here are some of the reasons why this day is memorable:
1. Today is the birthday of Karlo. He turned 16 this day. We sang I think two or three times for him. His boy bestfriends and Cristina gave their birthday wishes for him. After all those wishes and birthday songs, the birthday boy himself delivered his speech three times. His famous line is, “Thank you sa lahat, thank you sa pagkanta. I love you all!”. Nakakatouch. Tagos sa puso. Haha!
2. Today is the room to room campaign. We ended up with the name ESTILLO for our party. My partymates and I enjoyed it. Lalo na dun sa Einstein. Sa sobrang full-support sila, hindi ko na alam ang sasabihin ko sa harap. Also, Camsi insisted that we should have shown them some talents. Dapat, kakantahin naming yung Only Reminds Me of You, pero hindi natuloy.
3. In the last minutes of our Psychology class, it is raining cats and dogs which gives us a cold weather.
4. Because of the heavy rain, darkness occurs. In other words, brownout.
5. Siguro sa iba, ayaw nila ng brownout. Pero the whole high school students rejoices. Lalo na kaming mga Einstein, dahil ayaw namin ang next subject – Physics.
6. At dahil wala pa ring ilaw, we played Bahay, Baboy, Bagyo. Last year, we used to play it but this year, we had a new version of it. "What is the favorite color of the person next to you?"
7. We danced Kembot inside the room and we tried na gawan ng steps. Instead of the Noodle Dance, Chicken Noodle Soup naman ang binurn ni Ernest. Pero ok din, cute. Haha!
8. Jadel and I argued about that fifty pesos. To all my blog readers, may utang ako kay Jadel na fifty pesos. Hahaha! (Nagsimula nanaman daw ako..)
9. Some of us shared our stories from our childhood years from now and we visualized and project ourselves in the future. Kahit papaano, nakatulong rin itong activity para makilala namin ang isa't isa.
10. Lastly, Sir Roderick, our Physics teacher taught us how to peel the banana. Lahat kami sumayaw. Haha! Yun na ang masaya. Lahat nag-enjoy. Vinideo pa talaga.
Paano na lang kaya kapag tapos na ang school year na ito? Medyo matagal pa kung iisipin. Pero hindi tumitigil ang oras.
Itsura namin nung brownout.
Sa wakas, kumpleto na rin ang form namin for University of the Philippines. Wala na kaming masyadong pproblemahin. All we need is to study and study na lang. Haha! Dumating na rin pala ang forms namin sa Ateneo. Wala akong nakitang HRM or Tourism man lang. Ano naman kaya kukunin ko? Haha!
Tomorrow will be our room to room campaign. God Bless DOTA party. Hahaha!
P.S. Advance Happy Birthday Malnourish! Oops, lolo pala. Haha! Wee.
Haha! I accidentally joined the SSC. Actually, wala talaga kaming balak ni Camsi. Nag-joke ako, sinulat ako, tas ayun na. Haha! Pero ayun, for the sake of the Seniors. Hooray! Haha!
Hindi ko pa alam actually yung pangalan ng party namin. Aurea will be our president. Wee. Haha! Finally. DOTA or LIFE? Haha!
P.S. Mga ka-party, may sure na 22 votes na tayo from the Fourth Year. Solid! :P
Today, we went sa Ahead. Pinacheck namin yung form for UP then kumuha na rin kami ng Ateneo form. Fill up dito, fill up dyan. Teka, maliban sa Form 2, may kulang pa pala kaming requirements. Kailangan pa pala ng government certificate ata yun ng school tapos marking system. Salamat sa Ahead! Hehe.
After sa Ahead, we ate sa Shakey's sa City Mall. Ang daming memories ng mga taga-Ahead dun. Nakakamiss. Haha! Bunch of Lunch, Super Shakes, Platters, etc.
After sa kumain, we decided to go to school na para kunin yung kailangan pa na requirements.
Medyo hapon na nun, sadly wala si Ms. Danna dun, our Administrative Officer. Teka, paano nay an, lumipat na siya ng bahay (na dating nakatira sa mismong tapat ng school), nawala pa daw cellphone niya. Waa, paano na ito?
Yun, hiningi naming yung address niya sa school. Kahit hindi naming alam yung lugar, pumunta pa rin kami for the sake ng application form. Haha!
Sa bagong subdivision na nilipatan niya, hinarang kami ng mga guard. Sa kamalas-malasan, wala pala si Ms. Danna. Kakaalis lang daw kasama ng asawa niya. Ang ginawa na lang namin, may pinaabot kaming letter sa guard na nakalagay dun yung kailangan namin.
Manong Guard, sana binigay mo yung letter. At kay Ms. Danna, sana po nabasa niyo. Haha!
P.S. Sino ba talaga sa kanila? Haha! Buti na lang hindi ako. Hindi siguro meant to be na masaktan ako. I'm so happy.
Nakakapagod talaga ang bawat araw ngayong taon. Sa isang araw, meron kaming sampung subjects na pinag-aaralan. Ang break? May ten minutes, minsan meron ding twenty minutes. Minsan hindi mo mamamalayan na tapos na pala ang break. Ang mga teachers? Pagkatapos ng isa, makikita mo, paparating na ang isa.
Hindi na katulad dati na kapag wala ang teacher, mahaba ang time ng kwentuhan. Ngayon naman, kapag absent ang isang teacher, one hour lang ang kwentuhan. Nakakabitin. Depende na lang yun kung may aabsent pa. Mukhang wala ata. Haha!
This year, we have Economics, CAT, Psychology, Physics and many more. Ang hirap, pero kakayanin naming lahat. (Tulungan na ito mga bro at saiys!)
Kanina, we had a picture taking. Ilalagay ata nila Aurea yun for their Club. First time na kumpleto kami in uniform. Masaya, masaya. Kasama pa naming si Ms. Luz at nagkaroon pa ng “wacks”. Oops, wacky pala. Hahaha! (Asan na pala ang pictures? Haha!)
Nagfill-up na pala ako ng UP Form. My first choice is UP Diliman. Course? Tourism at HRM. Help me God. Whew.
Sa Monday, last submission na ng application form sa Ahead. Take note.
Sa Saturday, we will go to Ahead para isubmit na ang forms. See how busy we are. Ano pa kaya kapag college na ako? Nakakatakot, nakakapressure.
I will also apply in MAPUA. Lahat na, para maraming pagpilian.
Siya nga pala, we have two refresher courses. One will be next month tapos yung isa sa September for ADMU and DLSU. Excited na talaga ako! Haha!
Pansin niyo? Hindi na ako masyadong nag-uupdate. Actually, patakas pa ito kasi ayoko namang tuluyang mabulok ang blog ko. Haha! I'm using my brother's Nitro card and my father's Mac.
Ten subjects a day. Everyday assignment. Quizzes. San ka pa? Haha!
Wala na atang kwenta ang mga cellphones ngayon. Hindi ko na talaga siya nagagamit sa sobrang busy ko. There are so many things to do. ngayon lang ata ako naging busy. Challenge to, challenge para sa aming lahat. Siguro kapag college, mas over pa dito ang gagawin namin.
P.S. Next week, SSC.
Bye. 'Til next time.
Pagkadating ko sa school, andun na si Mayor Aldrin at si Kevin. Ayun, kwentuhan, kamustahan at syempre hindi mawawala ang picture taking. Haha!
Ilang mga minutes pa, dumating na ang lahat except si Karlo na 8:30 pa daw papasok. Ayun, bonding time ang lahat. Picture picture. Parang studio na tuloy ang room. Haha!
Maraming nagbago sa room. Ang mga kisame, malinis na. Malinis na rin ang blackboard at whiteboard. Ang hindi na lang nagbabago? Ang mga upuan. Hahaha! Hindi na pinagamit sa amin yung drawing table kasi baka hindi na kami magkasya sa room. Haha.
Ang daming mga first year, nadagdagan din ang mga second year. Naging 30 naman ang third year. At kami, 22 na lang ata. Hindi ko pa sure. Haha! Ano ba yan.
Masaya nung orientation. Nagkaroon pa ng welcome song. Nagpakilala rin ang mga teachers at syempre, hindi mawawala ang talent portion ng mga students. Sa Einstein, kumanta si Rachel at Jenine. Yey! Haha!
Election for class officers na. Sgt at arms naman na ako. Hahaha! Peacemaker? Haha! Si Kim naman, natupad na ang pangarap na maging Mayor. Congrats. Haha! Si Jadel naman umunlad na after all these years na Treasurer ay naging Vice na. Yehess naman! Haha!
Natapos nanaman ang isang araw. End.
Jadel and I went to Kristoffer's house para sunduin siya. Then, sumakay kami ng jeep papuntang Urdaneta.
Sa school, andun din si Mark at si Tina. Si Mark, mag-eenroll, si Tina naman, ibibigay yung Form 2 ng application form kay Ms. Dana. Then, we went upstairs. Tingin ng room, kwentuhan. All of the teachers is also there.
After a while, dumating din si Ms. Cindy from Ahead. Tinuruan niya ulit kami paano mag-fill up ng form. Tapos, they help us decide kung anong course ang magandang kunin.
Tinawagan namin si Karlo na sobrang tagal sagutin yung phone niya at sobrang tagal din kung dumating. Siya na lang ang inaantay pagkatapos pupunta na kami ng bank para makabayad sa UP ng 450.
At the bank, ang daming tao. Super. Pang-200+ pa ata kami. Mabuti na lang ang mama ni Camsi may kakilala doon so kinausap siya ni Camsi at ayun, we waited lang for how many minutes, kesa naman sa pang-200+ pa kami. Haha!
After sa bank, we invited Ms. Cindy tska yung kasama niya ng lunch. Dinala naming sila sa CB Mall. Hindi pa rin kami kasi nakakapunta dun. Haha! Tapos ayun, food court ang bagsak naming. Haha!
After ng kainan at kwentuhan, binaba na lang kami ni Ate Cindy sa Magic Mall. Salamat po! :)
After nun, shopping naman kaming mga girls tapos yung mga boys naglaro ng DOTA.
P.S. Pasukan na bukas. Parang wala nang thrill, araw araw na kaming nagkikita. Haha! Simula bukas, Senior na ako, seniors na tayo.
Today, we went to Dagupan. Andun din pala mga boys at natuloy nga ang laro nila with MG Dagupan ang DWAD.
Sa Ahead, kinuhanan na naming lahat ng mga "Aheaders" (Haha!) ng application form for UP. Tapos, we ask and ask so many questions tungkol dito. Ang gulo kasi. Haha! Nagkakwentuhan din ng konti. Tapos, andun din si Aurea. She has to complete her ACET exam. So ayun, tawanan to death kaming lahat.
Simula na pala nito ang araw-araw na naming pagkikita dahil bukas, pupunta kami ng school para ibigay yung fifill-up-an ng school ng form tsaka kukuha na rin daw ng books si Jadel at Camsi. Tapos sa Wednesday, Miss Cindy, will go to Urdaneta para mabayaran na naming yung 450 ng fee ng UP sa bank. And then sa Thursday, siyempre, pasukan na. Hahaha! Wee.
Pagkatapos sa Ahead, City Mall naman. New haircut.
Sa pag-uwi. Waa. Bumuhos nag ulan habang nasa jeep kami. Grabe, paano kaya ako uuwi nito? Haha! After a while, nawala rin siya.
Sa mall, nakita namin si Mark. Ayun, kwentuhan ng konti. Haha!
OMG. Not again.
A victim of cock-and-bull stories? Nah. Yes, I've always been one. I easily trust people and I, with no doubt, believe on what they say. Maybe that’s the reason why. It is hard for me to understand the person and to think that they cannot do them to me.
Ang hirap naman nung iba yung sinasabi sa pinapakita. Hindi ko na alam paniniwalaan ko.
I don't know why I keep on believing in all these lies. Ito naman ako nung una, paniwalang-paniwala and I did give some advices. I don't know if all these things are what friends are for.
This vacation really helps me a lot. I have more time to think about all these puzzles that the world has given me. Ok rin ito para sa pasukan, wala na to. Whew.
Only Reminds Me of You? Not anymore. (Camsi at Jadel? Hahaha!)
Ngayon alam ko na.
P.S. Welcome back to the Philippines! Rest, rest, rest. Haha! Labas tayo. Haha! Sabay ganun eh. Hehe.
Dagupan tomorrow? Yeah.
Kahapon, kakapost ko lang na gusto ko ng phone. Haha! I can't believe it. Unexpected.
Dumarating nga naman ang lahat sa tamang panahon.
P.S. Gusto ko nang pumasok ng school. I miss everybody. Einstein? xP
Last person you wrote a comment to?
- Jillian.
Last movie you watched?
- You Got Me.
What do people first say when they see you?
- Hi, hello. Nikki.
Do you like peanut butter?
- Yes.
Most memorable place?
- School, Ahead.
Do you read comics?
- When I was younger.
What’s your favorite ice cream stand?
- Ice cream sa tabi-tabi. :))
Do you have enemies?
- Hopefully, wala.
You like to go out grocery/ shopping?
- Grocery, yes. Shopping, hindi masyado.
Can you dance?
- Yes.
Do you believe in God?
- Of course.
First thing to do when you wake up tomorrow?
- Laptop.
Where are you right now?
- In my room.
Your name spelled backwards?
- Assyrw. Ikkin.
Where are you born?
- St. Luke's Hospital, Manila.
What is the last thing you downloaded?
- Yahoo Messenger.
Are you registered to vote?
- Not yet.
Do you like roller coasters?
- I'm afraid to ride pero, I want to try. xP
Chatting with?
- None. Maaga pa eh, wala pang online.
Would you go bungee jumping or sky diving?
- I have fear in heights but I want to try sky diving.
Are you shy?
- Yes, super.
Do you think you are popular?
- No.
Chips or popcorn?
- Chips.
Are you a good cook?
- No. I don’t know how to.
Best thing in the world?
- To love and be loved.
Have you ever broken a bone?
- Wala pa naman so far.
Have you ever won a trophy?
- Yes. Wee.
What is your favorite board game?
- I used to play Scrabble and the Games of the Generals. I'm not good at it.
Do you bake cakes?
- Yes, in our TLE subject.
Last thing you bought to a pharmacy?
- My father's medicine.
Do you believe in love at first sight?
- A big NO.
What is your favorite song right now?
- Without You by Charlie Wilson
How many pairs of shoes do you own?
- Konti lang.
Last song stuck in your head?
- Only Reminds Me of You by MYMP.
Any pets?
- I used to. A dog.
Worst local TV show as of the moment?
- I can't think of any.
Color of most clothes you own?
- White, I think.
Whose picture/s do you carry in your wallet?
- Photos of my friends and mine.

The Nokia 5700.
Camsi and I were craving for this.
We need it badly. xP
Dapat kahapon ang first day ng school pero they move it sa 14.
My busy days are over kaya ito, balik nanaman sa usual pagka-taong-bahay ko kapag bakasyon. Pero ok din ito kasi next week, pasukan nanaman. Senior na ako at isa lang ang ibig sabihin nito, hindi na ako makakatulog ng maaga.
Wala akong magawa dito sa bahay. Hindi ko mapanood yung mga gusto kong panoorin kasi sila ang nasusunod syempre. Hindi ko rin masyadong nagagamit yung phone lalo na kapag andito silang lahat, I can’t speak. Hindi ko nasasabi yung mga gusto kong sabihin. Patakas din ako kung mag-internet. May mga bata dito na magulo, nakikipindot. Mag-text? Yun na nga eh, wala akong load. Ok na rin yun, para may thrill sa pasukan.
In other words, wala talaga akong ginagawa kaya madalas inaantok ako. In other words ulit, boring dito. Haha!
Nakapag-enroll na pala ako. As usual, yung mga notebooks, sa school binibili. Roar. Haha! Tapos marami nanaman kaming books na for sure, hindi rin magagamit. Ang hirap pa man din ng buhay ngayon.
May nakapagsabi na may lilipat pa daw na classmate namin. Ang konti na nga lang namin, may lilipat pa. Oh well, ganyan talaga.
Dapat pala Jadel, Camille and I will go to Dagupan today para makakuha ng form ng UP sa Ahead. Ayun, so hindi tuloy. Next time na lang mga dude. Haha!
How I wish maging masaya ang 4th year namin.
P.S. Ano kaya ang kukunin kong course? Tsk.
Last day na namin ito. Last day. Last day.
Huling pagsakay ng van, pagsakay ng tricycle.
Nagdiscuss muna sa Sir Marco ng Math ng konti, kumopya ng mga notes at nauwi kami sa General Information. Masaya, nakakatawa. Sinulit-sulit ang bawat minuto na kami ay magkakasama. Ngunit, kulang pa.
Pagkatapos ng lecture, binigyan na kami ng mga tips ni Miss Cindy before taking the exam. Nakikinig ang lahat at maririnig mo ang tawanan ng mga boys na kahit maingay ay siguradong mamimiss mo.
Pagkatapos, ano pa nga ba? Syempre, picture taking ang lahat. Lalo na at kumpleto na talaga kami ngayon. Last time kasi, wala si Aurea. Todo ngiti naman ang lahat. Ayun si Robin, si Camsi at si Miss Cindy na may mga dalang cam.
Pagkatapos nun, uwi na kami ng Urdaneta. Nagpaiwan nanaman si Kris at Karlo at sumama sila sa mga boys na pumunta ng mall.
Hindi ako makapaniwalang tapos na. Hindi ako nakuntento sa huling araw namin.
Sa mga naging classmate koat mga nakilala ko:
Myco - Siya si "please elaborate.." Haha! Nakakatawa siya, magaling pa sa science. Lalong-lalo na sa Mythology.
Adam - Hindi ko pa siya nakakausap. Naririnig ko lang ang tawa niya. Haha!
Adrian - Makulit siya. Haha! Tapos lagi akong inaasar. Haha.
Jeff - Lakas ng trip namin, magkatext na magkatabi. Sana hindi mo sinabi yung sinabi ko. Haha! Siya rin pala yung kumakain ng tatlong burger McDo at nakakaalam sa hemophilia. Haha!
Robin - Tawag ko sa kanya Kuya. Haha! Tahimik lang siya. Kuya, yung mga stolen pictures namin! Hehe. Magaling din siya, galing pang Tarlac. Ang layo. Haha!
Kris - Haha! Wala lang. Iniiwan namin kapag magrereview siya sa hapon. Hahaha! Sinusundo namin siya kapag umaga ni Jadel.
Karlo - Wala lang, haha. Sharpen ng sharpen ng mga lapis. Haha!
Angela - Mabait. Haha! Matalino din.
Linnet - Ka-group ko sa mga games. Matalino din siya.
Jacq - Tahimik. Tapos laging kasama si Alex.
Alex - Magaling kumanta. Haha! Tapos ka-kwentuhan namin. Dinala din niya and dog niyang si K.
Angelie - Ilang araw lang namin nakasama dahil UP lang pala ang ni-review niya. Sayang. Haha! Umurong talaga yung dila ko sa kanya dahil nahihiya akong magpakilala. Hahaha!
Jadel - Ka-group ko din sa mga games. Tapos sa kanya ako kumukopya ng reference. Haha!
Camsi - Photographer ng bayan. Haha! Tapos ano... uuy! Haha!
Kirei - Uuy. Haha! (You know what I mean. ) Haha! Tawa kami ng tawa.
Dianne - Lumilipat ako lagi sa tabi niya tapos tawanan kami. Haha!
Aurea - Tawa rin kami ng tawa tas minsan absent siya. Haha!
Lyka - Ganun din kay Aurea, tas ka-kwentuhan ko din siya.
Mayam - Shy kami sa kanya. Ok kasama. Haha!
Kay Ms. Cindy, Ms. Shirley, Sir Marco at Sir Ariel. Thank you po.
Sa mga sponsors namin kapag break time, Plato Wraps at Mcdo. Maraming Salamat! :))
Ahead, the best. Marami akong natutunan. Nag-improve ako. Yey!
Classmates, Ahead, kita-kits sa Refresher Course bago mag-UPCAT. See you all sa Manila! :))
P.S. Hindi talaga ako kuntento ngayong araw na ito. Parang magkikita pa kami kinabukasan sa asta namin kanina. Btw, hindi ko talaga malilimutan ito.
(Na-conquer ko na ata buong page ng blog ko. Tama na siguro ito. :P)