being simple as it should be
more than enough to understand
like my permanent underwears

Sunday, April 29, 2007

Art.

Oo. Itong week na ito, parang huling week na ng aking walang kabuluhang bakasyon. Ano kayang pwedeng gawing paghahanda? Lapis? Marami na ako nun. Bolpen? Bibili na lang ako siguro. Papel? Meron pa ako dito. Bag? Nagsasawa na ako sa bag ko eh, baka humiram na lang ako. Syempre, hinding-hindi ko makakalimutan ang damit. Damit, damit.. Teka, titingin ako.

Ano kayang magandang suotin? Bagay kaya sa akin ito? Komportable ba ako dito? Sa wakas, nakita na kita, isa sa mga paborito kong damit. Pero teka, hindi ba brown ka? Bakit naging orange ka na? Ito pang isa kong pink na damit, bakit may mga blue spots na? Hindi ko na alam magiging reason ko sa mga nakita ko.

Manang! Asan ka?

P.S. Walang pagkain ngayon dito sa bahay. Wala si lola, pumunta sa Bohol. Umalis din yung taga-luto, umatend sa kasal. Eh sinong natira? Ang may kagagawan ng art kanina.

Friday, April 27, 2007

Ang Pag-ibig ay...

Parang lapis. Lagi nating ginagamit ang lapis sa tuwing tayo ay magsusulat. Habang tumatagal, kailangan natin itong taharan para gumanda ang kanyang pagsulat. Ang lapis ay parang pag-ibig. Marami tayong pwedeng mapagdaanan. Pwede tayong maputol pero marami naman tayong natututunang bagay na magagamit natin sa ating buhay.

Parang bulaklak. Kapag diniligan ng pagmamahal at binigyan ng sapat na atensyon, makikita mo itong nakangiti at may buhay. Pero kapag papabayaan mo ito, unti-unti itong malalanta at mamamatay na lamang.

Parang shopping bag. Sa una, kakayanin pa nito ang lahat ng kanyang dinadala. Pero kapag hindi na niya kaya, bigla na lang itong mapupunit at bibigay.

Haay… pag-ibig nga naman.Masaya kapag swerte ka, malas mo naman kapag hindi. Pero siguradong meron at merong darating para sayo. Yun na nga lang, may nauuna, may nahuhuli. Pero kapag ikaw ay nasaktan, tiyak, hindi mo na makumpara sa kahit ano mang bagay ang pag-ibig.

Magulo.

Lahat na yata ng pwede kong maisip, naisip ko na.
At tila wala na akong malagay sa aking munting tula.
Ano ba ang nais kong iparating?
Ano ba ang dapat kong sabihin?
Bakit tula pa, eh pwede naman sa personal?
Siguro, dito ko mapapahayag ang damdamin kong may sumasagabal.

Salamat.

Sa lahat ng taong nakilala ko, ikaw ang pinakakakaiba
Napapatawa ko ako, napapasaya

Ang gulo mo, minsan hindi kita maintindihan
Hindi ko alam kung bakit ka ganyan

Lumipas man ang panahon,
Maaalala ko pa rin kung ako mang meron tayo ngayon

Ang dami kong natutunan mula sayo
Na dadalhin ko sa paglalakbay ko

Marami ka nang nagawang bagay
Sa mga pinapakita mo, bakit hindi pa ako sanay?

Ako’y laging tumatanaw
Sa mga panahon nating magkakasama sa paglipas ng araw

Teka, magpapasalamat muna ako sayo kaibigan
Ang lahat ng dahilang ito ay ako lamang ang may alam

Thursday, April 26, 2007

Sana Hindi Pa Huli.

Ang bilis talaga ng panahon. Lahat na siguro ng bagay ay pwede mong pigilan – pero, hindi ang oras. Sa susunod na pasukan ay nasa ika-apat na taon na ako ng hindi man lang namamalayan. Oo, huling taon ko na ito sa eskwelahang tinuruan ako ng napakaraming bagay. Hindi lamang sa asignaturang dapat matutunan kundi pati sa personal na bagay.

Sa aking mag-aapat na taon sa hayskul, marami akong nakilala. Marami rin akong natutunan. Sa panahon na iyon, marami na rin akong nasaksihang buhay ng iba’t-ibang tao, masaya man o malungkot. Syempre, hindi mawawala dyan ang mga taong matatawag mong mga tunay na kaibigan. Kung may mga taong ganun, meron din sigurong mga taong hanap ay away. Hindi man sila yung mga “warfreak” kung tawagin, pero sila yung mga taong sadyang walang magawa sa mundo.

Sa aking paglalakbay sa mga nakaraang taon, marami na rin akong pagsubok na naranasan. Isa na dito ang mga mahihirap na pagsusulit o ang pagsasalita ng mahabang opinyon mo sa harapan ng mga kaklase mong nakikinog sa mga walang kwentang sinasabi mo. Syempre, meron din yung halos mapalundag ka na sa takot dahil sa sigaw ng titser mong naiinis sayo kesa ipaliwanag na lang ulit sayo ang hindi mo naintindihan sa pisara. Andito rin yung mga research work na hindi mo alam kung saan pupulutin and mga sagot dahil ang mga ito ay “out of this world.”

Hindi mawawala dito ang mga karanasan na mapag-usapan ka sa buong klase o naisipan kang pagtripan at lokohin. May napapaiyak, meron din yung kinikimkim na lang ang galit, at meron din yung halos ayaw na pumasok sa kahihiyan, meron din naman yung natatawa na lang sa kanyang sarili. Pero sa bandang huli, nangingi babaw pa rin ang pagkakaibigan at nagkakapatawaran pa rin ang lahat. Ganun naman dapat di ba? Ganun dapat ang magkakaibigan.

Pero minsan, hindi maiiwasan magkaroon ng tampuhan. Meron yung ilang segundong hindi magpapansinan at ilang sandali, makikita mo na lang, magkasama na. Meron din yung drama effect daw kunyari na akala mo nominated sa FAMAS Best Actress Awards na sa hinaba-haba ng speech sa kanyang pagkapanalo ay magiging masaya na. Nakakabaliw ngang talaga.

Hindi mawawala dito ang mga ala-ala na nagpasaya, nagpatawa, nagpaiyak sa akin. Hindi ko makakalimutan ang pag-iyak namin nila Camsi, Mai, Kez at Jadel dahil ayaw naming magkahiwa-hiwalay ng upuan sa bus nung field trip. Lalong hindi ko makakalimutan ang pagsayaw namin nila Mark at Camsi at bigla akong iniwan na sumasayaw mag-isa sa tugtog na Bugaloo nung kami ay nasa ikalawang taon ako at ang pag-iyak ko ngayong pangatlong taon dahil napuno na ako sa dahilang mga kaibigan ko lang ang nakakaalam. Kung may lungkot, syempre, meron ding saya. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mga araw na bigla na lang kaming tatawa sa mga dahilang hindi rin naming malaman kung ano, na halos paghiwalayin na kami sa klase sa kakatawa. Meron din dito yung biglang uupo na ang lahat sa lamesa na tila daig pa ang mga negosyante na may meeting at dun na nagkakakwentuhan ang lahat.

Kung nakakapagsalita lamang ang silya at lamesa baka nagalit na dahil sa matagal naming pagkain dahil sa matagal naming kwentuhan. Syempre, kapag nagsama kami, ano pa nga ba ang pinag-uusapan? Wala nang iba kung hindi ang walang kamatayang pag-ibig. May kilig moments kung tawagin, may seryosohan na, may nagkwe-kwento ng experience, at meron din yung mga nag-aadvice. Ganda ng samahan di ba? Masaya.

Salamat sa saya, sa lungkot, sa mga natutunan kong aral mula sa inyo. Natapos nanaman and isang taon natin at ito, papunta na tayo sa panghuling taon natin sa eskwelahang nagpakilala sa ating lahat. Huling taon na natin na magkakasama, huling taon para ipakita nang kung anong meron tayo at sabihin ang mga ibig mong sabihin na hindi mo masabi-sabi sa isang tao.

Ayokong sayangin ang mga natitirang panahon natin. Handa na kaya ako? Ano pang inaantay natin? Ika-apat na taon na tayo. Sana hindi pa ito ang huli… huling taon ng ating pagsasama.

Saturday, April 21, 2007

Bored.

Yeah, I'm back in the usual things again. Watch-talk over the phone-sleep. This is what I'm doing every vacation and I'm bored. Hindi pa nga ako lumalabas ng bahay eh. Haha!

I'm getting bored and bored everyday. Yes, I'm looking forward with our review. Excited na talaga ako.

Last night, I watched the last episode of Sana Maulit Muli. Hindi ko masyadong na-gets yung last part ng story. Haha! Magpapa-kwento na lang ako. Haha!

Wala na talaga akong magawa. I don't have any load pa. Piso na lang. How poor am I. Haha!

P.S. Pretty? Haha! :))

Monday, April 16, 2007

Pacquiao Made It.

Yes, yes, yes. Pacquiao once again proved to the whole world what a Filipino is. Lahat nanood, tumigil sa trabaho at nanood ng TV. Haha!

Wala kang katulad Manny! :)

P.S. I'm really excited para sa review this coming May. Naeexcite talaga ako kahit matagal pa. :p

Sunday, April 15, 2007

Sobra Na.

Tama na ang lahat ng pag-iisip, tama na ang pag-papangarap. Pero paano ako titigil kung ganyan ka?

Jadel, kung nagbabasa ka... Ayoko na.

...

I don't want to be involved in another tough situation again. Not again. So please stay away from me and stop telling lies.

Hanggang kelan pa ako maniniwala? Siguro nga, hindi lahat ng pangarap ng isang tao ay makakapagpasaya sa kanya.

I don't know anymore. Stop me.

P.S. I can't update that often anymore because my laptop is invaded by a virus.

Thursday, April 12, 2007

...

Ok, I understand. Sino nga naman ako, di ba?

Princess Hours.

Princess Hours is one of the Koreanovelas that I liked most and sadly, it ended yesterday night.

I learned and realized many things in this show and it really helped me a lot. One of these is people really change.

Janelle: Akala mo ba, mabubuhay ako ng wala ka?

Sweet, isn't?

P.S. Sayang ka Lolo, hindi mo na napanood. Antukin ka kasi. Hahaha!

Tuesday, April 10, 2007

...

It is as simple as this is. You know who you are and I hope someday you might read this.

I miss you too, but I really miss most is not just you or us but how it all was.

Sunday, April 08, 2007

Baguio.

My father suddenly woke me up and asks me if we wanted to go today to Baguio. Of course, I said yes. It was really boring here in our house and it's time for me to go out.

After hours, yes, here we come. I took Sulley. I didn’t took so many pictures there. Hindi ko na naisip eh. Haha.

At first, we went to my cousin's apartment and together, we went to SM. Yes, I miss this. The last time I went here was last August I think. Tagal na rin. Haha!

While at the SM, I looked for Mr. Bean's teddy. Wala naman. Saan ko kaya siya mahahanap? Haha! Instead of Teddy, I saw a big Mirmo at the Toy Kingdom. Nagdadalawang –isip ako kung bibilhin ko siya, pero ayun, hindi ko siya binili. Mamumulubi ako. Haha! I also brought a Spidey strap for Karlo since he asks me to buy something for him.

After hours, we ate our dinner at the Mr. Ching’s Cuisine. Sarap. Haha!
Then, we went home. Goodbye Baguio.


Habang nasa daan. Haha!

Wala lang. Haha!

Thursday, April 05, 2007

How?

How can something make a person happy if that thing is the reason behind all that sadness?

Promise, I'll try to.

Wednesday, April 04, 2007

Missing You.

Today was just one of those days where everything I did reminded me of you and every song I heard somehow related to you. I hate days like today, because they remind me of the one thing I dont have.

P.S. I know you know that I'm missing you too.

Tuesday, April 03, 2007

Lies.

Why do some people lie? What would they get? What's the point? Yes, everybody does it. And yes, it hurts.

Why do other people wants to make other people believe on what is really not?

There are many things bothering me. Lalo na't may nakita ako.

Monday, April 02, 2007

Biglaan.

Ang sarap ng tulog ko nang biglang….

Narinig ko ang kantang Sexyback. Sandali, ringtone ko yun ah. May tumatawag. Si Camsi. Bigla niyang sinabi na pupunta kami ng Dagupan ngayon para makapag-enroll sa Ahead. Isang review center. Sige, ba-bye.

Teka sandali, ang dami kong messages. Galing kanila Camsi at Jadel. Yun nga daw, pupunta kaming Dagupan. O sige, o sige.

Naligo na ako at nagbibihis ng biglang may tumatawag nanaman. Si Mai. Nasa tapat na daw siya ng bahay. Kailangan ko nang bilisan. Malay ko bang susunduin pala ako.

Ayan, sinundo na si Jadel. Kwentuhan sa kotse.

Sa wakas, nandito na kami si school, may ibibigay sandali. Pagkatapos, pumunta kanila Camsi at humiwalay na rin si Mai.

Ito na, ito na. Teka, magpapa-softbound sandali ng hindi pa napa-pass na research work kahit na tapos na ang graduation.

Sandali ulit, pumunta muna kami ng computer shop.

Ayan na, ayan na. Nakasakay na kami ng jeep. Kwentuhan dito, kwentuhan dyan. Nang hindi namamalayan, Dagupan na pala. Teka, san kami bababa? Asan ba dito ang Ahead?

Buti na lang nakita naming at nakapag-inquire na. Nakakapagod.

Sandali, walang tricycle na dumadaan. Paano na? Mag-antay, mag-antay.

Sa wakas. Pumunta kami ng CSI para kumain. At sa kakaikot na National Bookstore na punong-puno ng libro, nahilo kami.

Uwi na tayo, uwi na. Ayun umuwi na kami. Sandali, bago ko pa makalimutan, nakita pa pala namin ang classmate naming si Stephen pati na rin si Kuya Gerald, 4th year.

Ito na, bus nanaman. Pauwi na. Nakakaantok. Pero oops, bawal matulog. Mamaya kung san san na kami mapadpad. Teka, may gwapo. Napalingon pa talaga kami ni Juday sabay tawanan.

Sa wakas, nakauwi na ako. Haha! Nakakapagod pala, nakakatakot pa. Lalo na't kakatapos lang nung hostage taking sa Manila. Paano na lang pag nasa Manila na ako sa college? Nakakatakot.

Sunday, April 01, 2007

...

I'm wrong. Really wrong. Hindi ko naman alam eh. Bakit mo kasi ginawa yun? Ayan tuloy, umuwi ako. Sayang talaga, sayang.

Ano kaya yun? Think, think. Baka tama si Jadel. Magulo, sorry.

Goodbye 3rd Year.

Yes, today is our Graduation Day and my last day of being a third year student. There were few people there compared last year.

Tableau. We presented it well, I think. At ito pa, nadulas ako. Haha! Hindi na siguro napansin ng audience yun, pero napansin nung ibang kasama ko. Tsk. Tsk. Tsk.

After the tableau, we changed our clothes and waited for the awarding ceremony. Although wala akong natanggap na award, I clapped for my classmates and took pictures of them. Oh di ba, supportive. Congratulations! Hehe.

After the awarding ceremony, some of my classmates went home. I was left alone. Wait, hindi pala. Buti na lang, buti na lang. Again, you were there for me.

If you are reading this, you must know that there were many reasons for me to stay, but there is that one reason that you did made me decide to go home.