being simple as it should be
more than enough to understand
like my permanent underwears

Thursday, May 31, 2007

Day Eighteen.

Second to the last day of review. :(

Actually, dapat last day na namin ngayon pero nagkaroon ng free session dahil sa mga iba pang hindi nadidiscuss sa kit. Ok na rin yun para may time pa para magpicture picture. Haha!

Results ng DLSUCET? As usual, number 6 pa rin. Walang pinagbago. Haha!

Nagsimula na ang pagpipicture picture kanina nung break. Sinulit sulit na naming ang araw.

Ang sweet naman daw nitong si Sir Marco na para bang naghanap ng ice cream sa buong Dagupan para lang ma-treat kami dahil last day na ng lecture niya sa amin. Thank you Sir! Haha!

Nagpaiwan nanaman si Kris at Karlo kasama ng mga iba pang boys. Kantahan sila at vinideo pa. Ang close naman daw nila. Haha!

Ano ba yan, last day na bukas. Siguradong picture to death ang lahat. Kung school lang ang Ahead, baka dun na ako nag-aral. Maganda eh, masaya.

P.S. Ngayon alam ko na kung ano ba talaga. Ok ok. Pero bakit ganun? Parang wala lang sa akin? Magulo.

Wednesday, May 30, 2007

Day Seventeen.

Malapit na nga talagang matapos ang review. Ngayon ang DLSUCET Sim Exam namin. Na-late kami nila Jadel, Kris at Karlo dahil matagal umalis yung bus na sinakyan namin.

Pagkarating sa Ahead, ang lahat ay seryosong nagsasagot at mabuti naman ay nasagutan ko lahat. Pinaupo kami sa may tapat ng aircon. Grabe, sobrang lamig. Hindi pa sumabay ang outfit ko kasi nakapedals ako. Minabuti ko na lang na magjacket bago pa ako maging yelo.

Syempre, nung break, kwentuhan dito, kwentuhan dyan. Masaya.

Ang dami kong mali sa test. Feeling ko mababa ako ngayon. Sabi nga nila, gulong ng palad. Haha!

Pagkauwi, hindi nakasabay sa amin sila Kris at Karlo. Ang gulo nila, sobra. Pero ang hindi kapanipaniwala, nauna pa silang nakarating sa amin ng Urdaneta eh nauna na nga kaming umalis ng Ahead. Hindi naman kaya sumakay sa bullet train ang mga ito? Haha!

Pagkarating sa mall, nagkahanapan pa kami nila Karlo. Saan sila? Sa Chowking. Saan kami? Sa may Dickies. Pinuntahan namin sila, pinuntahan din nila kami. Nagkasalisihan tuloy. Ayan, tumatawag nanaman si Karlo. Pero hindi ko talaga alam kung sino sa kanila ang kausap ko nun. Kakaiba ang boses. Haha!

Shopping, shopping, shopping. Tingin, tingin, tingin. Lakad, lakad lakad.

After two hours… ito, pagod na pagod.

Ang hirap palang mag-antay ng wala.

P.S. Last two days na namin sa Ahead. Klasmeyts, mamimiss ko kayo. :P

Tuesday, May 29, 2007

Day Sixteen.

Sinundo namin ni Jadel si Kris sa labas ng bahay nila at mula dun ay nagpara kami ng masasakyang jeep. Nakakaawa nga naman itong jeep na aming nasakyan dahil wala atang may gusting sumakay dito kundi kami. Natagalan kami ng konti dahil sa patigil-tigil na jeep na nagbabakasakaling may pasahero pang sasakay. Sa wakas, may isang babae din na sumakay. At ito na ang simula, simula nanaman ng isang araw.

Pagkarating sa paradahan ng van ay sumakay kami sa isang bagong van. Kwentuhan dito, tawanan dyan. Pero wala nanaman ngayon si Lyka at Aurea. Asan kaya sila? Haha!

8 na, sakto. Oo nga pala, ngayon malalaman ang result ng ACET Sim Exam kahapon. Teka, tama ba itong nakikita ko? Top ako. Top kami ni Camsi. Yey! Gumana ata ang mala-Madam Auring powers ko sa panghuhula ng mga out of this world na questions.

Ayan, start na ang discussions. Makinig, makinig. “Nakakawindang” nga naman ang mga nakasulat sa board.

Habang nagdidiscuss, grabe, ang daming nagtatanong sa akin. Wala, wala talaga. Hindi ko alam kung bakit, o kung san niyo napulot yan. Hindi lang nila alam, sinasabi ko sa sarili ko, sana nga totoo yang sinasabi niyo.

Birthday nga pala ni Alex ngayon. (Happy Birthday Alex! Hehe.) Salamat sa nuggets na Shrek pa talaga ang lalagyan.

Kumusta naman ang pagtetext namin ni Jeff habang klase at magkatabi pa kami. Hahaha! Kakaiba din ang trip namin. Haha!

Maghapon nanaman si Kris ngayon at hindi na naming siya naantay. (Sorry! Hehe.)

Pagkauwi, sumakay ulit kami sa isang 25 pesos na van. Oh di ba? Mura.

P.S. Totoo nga ata na kapag hinahanap mo, hindi magpapakita sayo. Ang tagal din kitang hinanap sa mall. Siguro nga, hindi ngayon ang tamang panahon.

Monday, May 28, 2007

Day Fifteen.

Today is our ACET Sim Exam. Haha! Hindi ko ineexpect na mataas makukuha ko. I didn’t review that much. Scan scan lang. Pero, nag-improve talaga ako. Marami talaga akong natutunan.

I sat beside Lyka since wala na si Angelie. Sayang, hindi ko naman alam na last day na pala niya nung isang araw. Hindi man lang ako nakapagpaalam. Shy din kasi ako sa kanya. Hehe.

Sinasabi ko na, mahirap talaga sa Ateneo. Kulang ang oras sa pagsasagot sa napakaraming items. May mga out of this world, meron din yung mga tanong na ginamitan ko ng Madam Auring Powers. Haha!

While taking the exam, kinukuhanan kami ng picture ni Miss Cindy. Wrong timing, it is not my day today. Haha! I wonder kung ano ang itsura ko dun. Nakakahiya, i-eexpose sa friendster ng Ahead. Haha!

After the exam, nagkaroon kami ng class picture. Ang saya pero ang gulo nung mga boys. Tawa sila ng tawa. Haha! Expected bukas, meron ulit. Lalo na at malapit na matapos ang review. Mamimiss ko ito, mamimiss ko silang lahat.

After review, diretso City Mall kami nila Camsi at Jadel. Bumili ako ng pants ng hindi oras. Kasi ano, yun na yun. Haha!

Pagkatapos, we went sa Pizza Hut. Celebration ng birthday ni Ernest. Changes? Marami din. Pero ang samahan? Syempre, ganun pa rin. Sinama rin nila kami sa Newton. Ang dami nila, masaya. Haha!
Pang-ilan kaya ako ngayon sa ACET? Waa. Haha! Tomorrow na ang results.

Saturday, May 26, 2007

Pagbabago.

Ewan ko kung bakit, ewan ko kung ano. Basta ang alam ko, kapag may pagbabago sayo nararamdaman ako at oo, naaapektuhan ako. Sobra.

Ikaw, oo ikaw. Hindi ka ganyan dati. Nakakapanibago ka. Ngayon, nakukuha mo na akong tanungin sa mga sinasabi ko. Maganda, pero hindi ako sanay.

Oops, teka. Mali ata ang second paragraph nitong entry ko. Bakit ilang sandali parang iba nanaman ang sinasabi mo? Ano naman kaya yung sinabi ko o yung tinanong ko? Mali ba? Ewan ko sayo.

Isa na lang ang hindi pa nagbabago sayo. Siguro, alam mo din na mali yun. Oo pala, alam mo. Wala naman akong magawa para dun.

Oo, aminin na natin. Habang umiikot ang mundo, lahat na ng klase ng pagbabago nangyayari na. May maganda, may hindi maganda. May nakakalungkot, may sumasaya. Lalong lalo na, may nawawala. Pero ganyan talaga ang buhay na kailangan nating harapin. Yun na nga ang challenge eh, ang kumapit at sumabay sa gulong ng buhay.

Balik-bahay.

Pagkagising ko, tulog pa si Camsi. Ayun, hindi muna ako bumangon. Patingin tingin sa paligid at nag-iisip isip ng kung anu-ano. Gusto ko pa sanang matulog pero napakasama ng panaginip ko. Hindi naman sobrang masama pero ayun. Nakita ko ang lahat, ang lahat lahat. Hanggang sa panaginip ba naman ganito?

Pagkagising ni Camsi, kwentuhan sandali pagkatapos lumabas din kami ng kwarto. Ano pa nga ba? Syempre, internet to the max nanaman ako. Blog, friendster, lahat na ata pinuntahan ko.
Nung hapon, sinundo din ako. Salamat kay Camsi, sa pagpapauloy sa akin sa kanilang tahanan. Hehe. Masaya.

Thursday, May 24, 2007

Day Thirteen.

Umagang umaga, nauntog ako sa van. Haha! Grabe yun, ang lakas. Nahilo talaga ako dun.

Next disaster ala Amazing Race. Since wala nang space sa loob ng tricy, tumabi ako kay Kris sa labas ng tricy. Haha! Hindi ko naman akalain na magiging ganun ang pwesto ko dun. Ilang sandali, bumilis ng bumilis ang tricy. Waa, katapusan ko na ata. Sumiksik talaga ako kay Kris nun. Whew.

Third disaster. Sa sobrang naexcite naming magpicture, nagkauntugan kami ni Camsi. Haha! Bukol, bukol, bukol. Hahaha!

Advance Math pala kami ngayon with Sir Marco. Haha! Grabe na ito. Girls versus boys. Talo sila. Yey! Haha!

Lakas din ng trip namin ni Jadel sa bus. Haha! Umupo ba naman ka,i sa hagdan. Feeling sa amin yung bus. Haha!

Tapos, nag-ikot kami sa mall. Nagbrownout pa habang nasa escalator kami. Saya. Haha!

Pumunta din kami sa church nila Kaye. Ang babait ng mga tao dun at marami akong natutunan doon.

"Tukso, lalayo ako, hindi tukso, layuan mo ako."

Dahil gabi na nga at nakakatakot magcommute, nagpaalam ako na matutulog ako sa bahay nila Camsi at andito ako ngayon. Syempre, todo update. Haha! :P

Wednesday, May 23, 2007

Day Twulb. Twelve.

General Information ngayon. Haha! Guess kung sino ang teacher? Si Sir Ariel. Hahaha! Laptrep pa nung kumanta siya ng "Itaktak Mo". Haha!

Ang dami ko talagang natutunan ngayon. Nakakalito talaga yung Abstract Reasoning. Nahilo ako dun. Haha! Whew.

Ang saya at ang dami na namin sa Ahead. Haha! Meron ding mga bagong naki-sit in.




Tuesday, May 22, 2007

Day Eleven.

Nakakalungkot ulit ang araw na ito. Ang konti konti namin ngayon. Hindi papasok si Karlo at ewan ko kung asan sila Aurea at Lyka.

Pagdating sa Ahead, tinitignan agad ng lahat kung pang-ilan sila sa test kahapon. Nakakalungkot nanamang sabihin na naging pang12 na ako. Hahaha! Ano ba yan. Ok lang yan. Haha! Tumaas ako pero mas tumaas sila. Haha!

Nag-discuss lang ngayon si Sir Ariel ng Math at Science. At muli, may nagtanong nanaman sa kanya kung pinsan ba niya si Sir Ariel, pareho kasi sila ng last name, Trinidad. Hahaha! Laptrep talaga.

Ang sakit talaga ng ulo ko dun sa Ahead. Ayun, kopya na lang ako ng kopya. Haha!

Napag-usapan din kanina yung refresher course. Haha! Gusto kong pumunta. Promise. Haha! Manila, here we come! Haha!

P.S. Kumpleto na sana tayo bukas para masaya. Hehe.

Monday, May 21, 2007

Day Ten. Sadness.

Hindi ako okay ngayon. Maraming bagay ang sadyang nagbago nung umaga pa lang. Hala, wag naman sana. Wala naman siguro akong nagawang masama. Pero paano kung meron? Magsalita ka naman sana.

Ngayon, nagUPCAT ulit kami. Sana naman tumaas ako. Haha! Asa pa ako.

Nung pauwi na kami, dun ko na nafeel ang lahat. Sumabay pa ang mga kantang nakakalungkot. Ano ba naman ito. Kung may nagawa ako, sabihin mo.

Ilang oras din akong nag-antay. Sobrang ang pangit na ng pakiramdam ko nun. Yes, buti na lang at nagparamdam din siya. Yun pala ang dahilan, akala ko may nagawa ako sayo.

Whew, nakahinga naman ako dun.

P.S. Only Reminds Me of You…

Saturday, May 19, 2007

Day Nine.

Yey! May free session ngayon. I-eexplain ulit sa amin lahat ng hindi naming naintindihan sa Math part ng kit. Umupo ako sa tabi ni Karlo. Ayoko talaga kasi sa kinauupuan ko dahil bukod sa sobrang malamig, wala pa akong makausap. Nakakabulok! Haha! Ok magturo yung teacher namin ngayon. Nakakatawa. Sobrang naintindihan ko mga tinuro niya. Haha!

Pagkatapos ng klase, nakuha pa talaga naming magpicture-picture sa Ahead. Tawa talaga kami ng tawa. Haha! Ang saya.

P.S. May mga bagay na sadyang nakakahigh blood. Roar! Haha!

Happy Birthday Kuya Edward! Sorry, wala akong gift sayo. Haha!

Friday, May 18, 2007

Day Ate. Eight.

Iba talaga ang energy ko kapag nakaupo ako sa gitna sa van. Tawa talaga ako ng tawa. Haha!

Teka, wala pala si Aurea ngayon. Parehas na kami ni Jadel na walang katabi. Haha! Mabubulok nanaman ako. Haha.

Habang hindi pa nagsisimula ang klase, naisipan ko talagang lumipat ng upuan. Lumipat ako sa tabi ni Jadel. Haha! Yehey! Sa pagkakataong ito, hindi na ako pinalipat. Yun na nga lang, lagi akong tinatawag na Aurea, kasi nga naman, dun nakaupo si Au, akala tuloy siya ako. Haha!

Binigyan kami ni Mr. Ariel ng Boy Bawang. Hahahaha!

Habang nagtuturo siya, kumakain kami ng aming mga inorder sa McDo. Haha! Nag-joke ako kay Jadel, sabi niya kasi, ang dami daw pagkain sa harap namin. Sabi ko naman, "ay sorry, akala ko canteen ito.." Haha! Laptrep. Haha!

Iba talaga kapag nagsama-sama ang mga lalaki, parang may kakaiba sa kanila. Parang nakakatakot, nakakailang, basta ewan.

May pasok daw ulit kami bukas. See yah tomorrow.

P.S. Many people say, "There are many fishes in the sea." But do you know what? They didn’t have the magic that you have. Yes, there were many fishes in the sea. But none of them was you.

Thursday, May 17, 2007

Day Seven.

Napakadelayed reaction naming nila Jadel at Camsi dahil ngayon lang talaga kami tawa ng tawa dahil dun sa kumakanta ng Tuliro at Tatsulok kahapon. Haha! Mas lalo pa kaming tumawa nang pinatugtog ang Tuliro at Tatsulok! Hahahaha! Nagpaparamdam ata sa amin yun ah. Haha!

Late kami ngayon. Haha! Pero salamat naman at late din si Mr. Ariel, teacher ng Langauge Proficiency. Ayoko na sa proper place ko. Bukod sa malamig dahil nakatapat ang aircon sa akin, wala akong makausap at lumipat ng lugar yung katabi ko. Dahil dun, sinubukan kong lumipat sa tabi ni Karlo. After ilang minutes, waah. Pinalipat din ako. Ayun, nabulok ako. Nabalot ng katahimikan ang room. At ang kahapon na maingay ay nawala na lang bigla. At kahit na nabulok ako, marami naman akong natutunan. Yey!

Nung break, tsaka lang talaga ako nakapagsalita. Buti pa yung iba, magkakatabi sila. Syempre, pagkatapos ng break, balik upuan nanaman ako.

Nung uwian, naiwan nanaman kami ni Karlo at nauna na ang lahat sa City Mall. Kinabahan ako dahil wala talagang dumadaan na tricycle. Ayun, habang nag-aantay ng dadaan, kwentuhan muna. Kung anu-ano sinasabi nitong si Lolo sa kanila. Waah. Parang gusto ko nang umalis nung mga oras na yun.

After ten years, may tricycle na rin. Ayun, nahirapan pa kaming hanapin yung food court. Haha! Ayun, kumain kami ng mga maiinit, as in mainit na pagkain. Haha! Sosyal, sisig. Haha!

Hala, bukas Reading Comprehension naman. Eh di mas lalong nakakabulok.

P.S. Wala lang naman. Bakit ganun, iba ang nakikita niyo?

P.S. ulit. Sana in the future, hindi sasabihin sa akin mga yun.

Wednesday, May 16, 2007

Day Six.

Nung papunta na kami ng Ahead, nabalot ng katahimikan ang van. Tapos, may bigla ba namang kumanta ng Tuliro at Tatsulok. Hahahaha! Grabeng pagpigil ng tawa na ang ginawa ko. Alam kong tawag-tawa na rin si Camsi nun. Hahaha! Nakakatawa talaga.

Kung mahirap kahapon, expected na mas mahirap ngayon. We studied Trigonometry and Physics. Masaya rin. Mangtataho? Haha!

Naggame ulit kami, nakahabol din kami sa wakas! Yey! Haha!

Naku, boring ata bukas. Language Proficiency, here we come.

P.S. Mas pipiliin pa rin kita kesa sa kanila.

Tuesday, May 15, 2007

Day Five.

Panglimang araw na namin sa Ahead and I really enjoyed reviewing there. I get to learn many things. Today, we studied Math. Grabe, ang hirap.

I enjoyed the way our teacher teaches us. He was able to get our attention and nakukuha pa niyang magbiro. For the first time, I enjoyed Math. Yey!

Lalo akong na-excite nung nag-game kami. My group mates are Robin, Jadel, Linnet, and Jacq. Grabe ang mga nangyari, nakakatawa. Haha! Group Four (Karlo, Dianne, Adam and Jeff) is the highest scorer for today. Haha!

P.S. Lagi na lang akong nakakarinig ng comment na ganyan. Dapat na ba akong lumayo?

Thursday, May 10, 2007

Day Furr. Four.

Syempre, ano pa nga ba? Sa pang-apat na araw ay napakaaga nanaman ni Karlo. Pagkarating niya ay sumakay na kaming lahat sa van. Habang nasa van ay sinasagutan naming ni Karlo ang assignment naming pamatay. Nabalot ng katahimikan ang van.

Unang araw ng lecture naming at yes, hindi daw Math ang ituturo ngayon, Science. Nagkaroon din kami ng proper places at pinaupo ako sa harap, katabi ko si Cordelio.

Maganda magturo ang guro namin at naganahan ang lahat sa tinuturo niya. Naging interesado at masaya ang lahat. Napaka-active nang katabi ko at alam na alam ata ang mga sagot. “Medyo” nagkaisa naman ang lahat sa pagsagot. Haha! Enjoy.

Habang tumatagal ay talagang mararamdaman mo na ang malamig na aircon. Nasa harap pa man din ako at nakatapat sa amin ang aircon. Buti na lang at nagsalita itong katabi ko na nilalamig na rin siguro sa aircon.

Sayang naman at wala daw pasok bukas at sa Lunes dahil sa eleksyon. Ayan tuloy, iniwanan kami ng napakaraming takdang aralin. Ma-mimiss ko ito, sobra.

Teka, sandali. Bakit parang sumasakay na kayong lahat sa tricy? Pano kami ni Karlo? Wala namang ganyanan. Paano kapag wala nang dumaang ibang tricy? Wala na. Buti na lang at meron na after ten years.

Sa pag-uwi ay sumakay kami ng bus at sa sobrang bilis ng bus at sumabay pa ang paglipad n gaming mga buhok, nakuha pa naming magtawanan ni Karlo. Parang gusto ko nang tumalon. Haha!

Pagkababa sa mall ay bumili kami ng pagkain nila Jadel at Karlo sa Greenwich tapos ay nagkwentuhan sandali. Bomba, sunog, tubig! Hahaha!

Sa paghihiwalay naming ng landas, biglang tumogtog ang pianista doon ng “Walang Kapalit”. Ano ba naman ito. No comment na lang ako.

Sige, hanggang sa uulitin. Kita-kits sa Tuesday at sana makilala ko na ang lahat ng kaklase ko sa Ahead.

Wednesday, May 09, 2007

...

Happy Birthday Eca! Tanda ka na. Haha!

Day Three.

Sa pangatlong araw ay napakaaga nanaman ni Karlo na naging dahilan para mag-picture muna kaming mga babae habang hinihintay itong si Karlo. Sa pagdating niya ay sumakay kami ng van. Maliban sa kwentuhan na nagaganap sa mga sandaling yun, ay napatigil ang lahat at nakinig sa kwento ng radyo.

Nagbasa ng liham ang radyo. Kwinento niya ang problema ng isang babaeng taga-Urdaneta na nagpakasal sa mas bata sa kanya at nagkaroon siya ng problema dito. Punong-puno dawn g pasa ang kanyang Tiya Carla dahil sa pagbubugbog ng kanyang asawa. (Hindi ko na itutuloy dahil ito ay medyo bastos.)

Kami ni Karlo sa likod at ang mga nasa gitna ay tumawa na lamang dahil sa nakakatawang pagkakwento sa liham. Ang katabi ko namang magkasintahan sa aking kanan ay seryoso at hindi man lamang tumawa.

Pagdating namin si Ahead ay pumirma kami ng attendance sheet at ang lahat ay napatingin sa resulta ng ACET. OMG, mula pang-anim at naging pampito ako at alam na alam kong mas natuwa si Jadel na nagmistulang “topnotcher” ng ACET Diagnostic Test.

Ngayon naman ay sasagutan naming ang DLSUCET Diagnostic Test. Umupo ako sa likod dahil ang aircon ay lalamig na. Masasabi kong mas madali ito kesa sa ACET kahapon. Habang hindi pa natatapos ang lahat, nakuha pa naming magpicture-picture.

Iniwanan kami ng nakakahirap na assignment sa Math. Whew.

Nung kami ay umuwi na, sumakay kami sa jeep. Lahat ng aming buhok ay nagliliparan na. Pagkarating namin sa mall ay bumili muna kami ng pagkain sa Jabee.




Tuesday, May 08, 2007

Day Two.

Oo, pangalawang araw na naming ito sa Ahead. Nagsimula nanaman ang byahe nang pumunta ako sa bahay nila Jadel at mula doon, sasakay kami ng bus papuntang Urdaneta. Bumaba kami sa crossing at mula doon ay naglalakad papuntang taoat ng mall, kung saan magkikita ang lahat.

Sa pangalawang araw namin, sobrang aga naman talaga nitong si Karlo na siya nanamang magiging dahilan sa pagkahuli namin sa klase. Nagdesisyon ang lahat na sumakay ng van dahil mas mabilis daw ang byahe dito. Umupo sa harap sila Kaye at Dianne, sa gitna naman si Karlo, Lyka at Camsi, at sa likod naman kami ni Jadel na hilong-hilo na sa van na ayaw buksan ang bintana.

Sa pagbaba namin sa van, nasaraduhan kami ni Jadel, akala yata ay hindi kami bababa. Ayaw naman kasing umalis ng nasa aming tabi kaya hindi kami makalabas.

Ito, andito nanaman kami sa Ahead. Pagkapasok mo ay pipirma ka sa attendance sheet at pinakita na ang resulta ng UPCAT Diagnostic Test. Totoo ba ito? Hindi nga? Pang-anim ako. Natuwa naman ako at siguro mas natuwa si Camsi na naging pangalawa sa amin.

Talaga nga namang mas mahirap itong ACET Diagnostic Test kesa sa UPCAT. Nabalot nanaman ng katahimikan ang kwarto at lahat ay tila seryoso sa pagsasagot sa pagsusulit. Siya nga pala, mas malakas ngayon ang aircon at asahan bukas na lalakas pa.

Pagkatapos ng review ay nag-aya silang kumain sa City Mall at sakto naman ay susunduin ako ni itay doon. Pizza, pasta and potatos, Shakey’s at ang Super Shake. Hinding-hindi ko ito makakalimutan.



Monday, May 07, 2007

Day One.

Tama na ang excitement. Ito na, ang unang araw ng review at ang pagkikita muli naming lahat pagkatapos ng isang buwang bitin na bakasyon.

Ako? Hindi pa ako handa.

Nagbus kami ni Jadel papunta sa tapat ng mall, kung saan naming napagkasunduang magkita. Ayun, si Camsi! Aba, at bagong look siya.

Isa na lamang ang inaantay, si Karlo. Ialng bus nang papunta ng Dagupan ang dumaan at wala pa rin siya. Tawag kami dito, text kami dyan.

Sa wakas, andito na siya at ayun, may bus na nakatigil at tila hinihintay kaming sumakay. Pinaggitnaan ako ni Camsi at Jadel at nagsolo flight naman itong si Karlo sa aming likuran.

Sa aming byahe, marami kaming napagkwentuhan at naalala. Meron ding inantok, pero hindi rin nakatulog.

Teka, Dagupan na ata ito. Sabay baba sa may Jolibee at sumakay ng tricy papuntang Ahead. Mas lalo kaming kinakabahan habang papalapit na kami sa aming destinasyon. Isa na siguro sa dahilan ang pagiging late namin sa unang araw pa lamang ng klase.

Andito na kami. Nakakahiya, nagsimula na sila. Oh, sino itong lumingon? Si Lyka pala. Dito rin pala siya. Andito na rin sila Kaye, Dianne, at Eya na nakikinig ng mabuti sa aming guro, si Miss Cindy.

Nabanggit na nila na sa unang araw pa lamang ay magkakaroon na agad kami ng isang diagnostic test ng UPCAT.

Sa harap kami umupo nila Camsi ast Jadel. Habang kami’y nagsasagot sa mga mahihirap na tanong, nabalot ng katahimikan ang buong kwarto ng ilang oras. Halos lang kami ay gusting makipag-usap sa aming mga katabi.

Bukas pa daw malalaman ang resulta sa aming ginawang pagsusulit.

Oh, uwian na. Hindi ko na naabutan ang pinakaaantay kong "getting to know portion" naming lahat. Sana bukas meron pa ulit.

Wednesday, May 02, 2007

Tama Na.

Ilang araw na ang nakalipas magmula nang matapos ang laro. Isang larong walang kasiguraduhan kung ika'y mananalo o matatalo. Isa itong larong ginagamitan ng isip, pagpapakiramdam sa iba at mabilis na pagdedesisyon kung saan mo dapat ilulugar ang iyong mga kamay. Ang larong ito ay tinatawag kong paluan.

Malalakas ang mga natatanggap kong pagpalo mula aking kalaro ngunit nung una, hindi ito naging dahilan upang ako ay sumuko. Pero sadyang ganun ang buhay, ang napapadalas nang pagpalo sa akin ng malalakas at ang pagiging mapula ng aking mga kamay ay ang naging dahilan kung bakit ako ay sumuko at hindi na lumaban.

“Tama na, talo na ako…”

Nang pinagmasdan ko ang aking mga kamay, may mga namuong dugo na nagbibigay ng masakit na pakiramdam sa akin. Magsisilbi itong bakas ng aking pagkatalo habang hindi pa ito tuluyang mawawala. Alam kong unti-unti rin itong mawawala at ako’y nag-aantay sa mga panahong iyon, sa mga panahong handa na ulit ako sa susunod pang mga laro. Ano…. game?